Hinaharap
- Ambango-bango, ambango-bango ng hinaharap. Merong malaki. Merong maliit. Meron ding mabahong hinaharap. Ampula-pula, ampula-pula ng hinaharap. Hahaha de. Seryoso na kasi.
- Hinaharap. Maraming taong nagpapahula para sa hinaharap. Maraming gusto makaalam ng hinaharap. Pero ako, hindi ko gugustuhing malaman ang hinaharap. I live in the present. Not in the past, nor in the future.
- Dalawa lang naman ang pwede mangyari sa future. Magiging masaya o hindi. Good or bad. Kung malalaman kong na yung magandang mangyayari bukas, hindi na masaya yun. Hindi na masyado exciting. Alam mo na. Parang birthday ko bukas, tapos sasabihin mong may regalo kang relo sakin, o kaya cellphone, o kung ano man. Syempre aasahan ko na yun. Hindi na ko masusurpresa. Kung malalaman ko naman na may mangyayaring masama sakin, mababadtrip lang ako. Hindi pa nangyayari sakin pero pinoproblema ko na. Parang pag may taning na yung buhay ko, hindi pa naman ako mamamatay talaga pero pinoproblema ko na kasi alam kong mamamatay ako.
- Kaya ayoko talaga mabuhay sa hinaharap.
- Mas trip ko mag-unfollow ng mga famous kesa ng mga normal blogger. Kapag famous kasi inunfollow, okay lang. Hindi kawalan. Pero pag normal blogger, mag-eemo yan. Magpopost agad yan na may nag-unfollow sa kanya tas magrereklamo pa. Tsaka kung magiging masaya siya na makadagdag ako sa bilang ng followers niya, sisirain ko pa ba kaligayahan niya?
- Isa pa, karamihan ng famous ngayon dito, attention whore e. Ilan na lang ba normal blogger dito? Karamihan na kasi ng nandito famous at feeling famous e. Mas okay inunfollow yung mga famous/feeling famous na wala naman ginagawa kundi magpublish ng TA. Blog-blog din pag may time.
- De. Hindi na ko magdedeactivate dahil lang sa ugali nung ibang blogger dito. Papanatilihin ko yung blog ko kasi blog ko to. Eto ang dapat kong intindihin at hindi yung blog ng iba. Sorry. I don't usually give a damn. Gusto ko lang sabihin yung gusto ko sabihin. It's a free blogsite, you can post what you want. Lol This doesn't even make any sense. Kbye.
Lahat ng tao mang-iiwan
- "Lahat ng tao iiwanan ka. May biglang aalis at hindi na magpapakita, may maliligaw at hindi ka mahahanap, at may mga matutulog at hindi na gigising." Yan ang teorya ko. Kaso kanina-kanina lang napaisip ako at nasabi kong mali ako.
- Pag nabasa mo yung quotation, sasabihin mo, oo nga no. Mag-aagree ka na lang. Hahayaan mo na lang yung sarili mong maniwala sa ideya. Pero mas mabuti siguro kung mag-isip ka pa ng mas malalim. Intindihin mo pa siguro ng mabuti.
- Siguro nga totoo na minsan sa buhay mo, bigla ka na lang iiwan isa-isa ng mga pinahahalagahan mo- yung haliparot mong girlfriend, yung ulol mong aso, yung plastik mong kaibigan, baka pati ng pamilya mo. Hindi mo alam kung kailan. Baka ngayon, baka bukas, sa susunod na araw, o sa susunod na susunod na araw. Hindi mo alam kung pano. Hindi mo alam kung bakit. At dahil wala kang alam, sisisihin mo yung sarili mo. Iisipin mo na ikaw yung problema. Ikaw yung sentro ng lahat. Kasalanan mo kung bakit ka nila iniiwan. Kasalanan mo kung bakit sila nawawala. Kumbaga sa math, ikaw yung common denominator. Sa science, ikaw yung sun. Sa language, ikaw yung noun. Ikaw yung nasa gitna. Kapag may mali sayo, nagkakaroon na rin ng mali sa kanila. Dahil sa ideya na yan, maiinis ka. Tatanungin mo si God, "Bakit po laging ako yung iniiwan?"
- At yan yung dahilan kung bakit ko nasabing mali ang teorya ko. Laging ikaw ang iniiwan? Sigurado ka ba? Mali diba? Eto yung totoo, "Halos lahat ng tao iiwanan ka pero yung iba, iiwanan mo." Tandaan mo, tao ka rin. Mang-iiwan ka rin. Pano mo sila iiwan? Yan ang hindi ko alam.
I’m not a fan of Rizal but if what had happened to my country years ago will happen today, I’ll do the same thing he did. I promise.
Reblog for a Cause
- Hindi naman masyado big deal sakin kung magreblog ako minsan. Kung magrereblog ako siguro dahil gustong-gusto ko yung post na yun o dahil may CAUSE yung post na yun. Halimbawa, post ng organisasyon para labanan ang drugs, human trafficking, illegal logging, etc. O kaya naman yung post for sympathy or justice.
- Pero yung tanginang post tungkol sa isang taong hinihiling na mafeature siya sa isang mag, pangarap mo fre? Hindi ako nanghe-hate o ano. Wala rin akong pakialam kung makikinig kayo sakin o ano. Ang sakin lang, mas maramig dapat pagkaabalahan. Mas maraming dapat pinagtutuunan ng pansin. Yun lang naman. Sorry sa tatamaan.
- Huwag mong isisi yung pagkabuntis mo sa mga fairytales. Mali ka rin kasi ng ginawa e. Si Snowhite, Apple ang kinagat. Hindi Talong. Si Cinderella, Sapatos ang hinubad. Hindi Panty. Si Sleeping Beauty, nagising sa halik. E ikaw, natulog ka nung hinalikan ka.
Senyales na bata ka pa: Hindi ka makabili ng Condom.
- Syempre hindi ka pagbibilhan kapag bata ka. Pero maliban dun, bata ka pa pag hindi ka makabili ng condom kasi supot ka pa, kasi hindi kasya, masyado maluwag. Pero joke lang yun. Hindi ka makabili kasi nahihiya ka. Kapag hindi pa ganun kakapal yung mukha mo para harapin yung cashier, bumili ng condom, at kumindat, bata ka pa. Hindi ka pwedeng mabuhay sa hiya.


