Baka emcee ako.
- E kasi nashock talaga ako nung sabihing mag-eemcee ako sa isang tribute para sa schoolmate namin na namatay. Pag nagkataon kasi first time yun. Ayokong magkamali. Tribute yun. Andun ang directress, may professors, pamilya nung namatay, PUPians, tsaka yung mga kapitbahay. Hindi ko alam kung paano gagawin ko dun.
- E tinanong ko yung nag-assign sakin kung bakit ako ang naipili. Sabi para daw maneutralize yung program. Yung kasama ko kasing babae sobrang bait daw tas ako sobrang sama. Ansaya ko nung sinabi sakin yun. Compliment kaya yun! Hahaha De. Mas okay sakin na sinasabing masama ako. Mas ramdam ko e Hahaha
- Kahapon yun. Nung magstart na yung program, nanigas ako. Ako kasi yung nanigas. Hindi yung ano ko. Kaya ang hirap. Sabi ko ayoko. Hindi ko talaga kaya. So ayun. Sa dulo, pinalitan ako. Pero sabi sakin, may utang daw ako sa kanila. Next time daw na pag-emcee-hin ako, kailangan magsalita na talaga ko. Um-oo naman ako. Pipilitin ko talaga. Huehue
Hindi lulubog ang araw sa umaga.
- Pangarap kong maging writer/journalist. Ilang beses ko na to sinabi kaya siguro nababadtrip ka na. Pero seryoso ako. Ngayon lang ako naging ganto kasigurado sa kung ano ang gusto ko. Mula nung matapos kasi ako sa hayskul, nagpatangay na lang ako sa ihip ng usok sa maynila. Hinayaan ko yung sarili kong mahagip nung sinasabi nilang tadhana. Pero ngayon. Ngayong taon, alam ko na kung ano yung gusto ko. Alam ko na kung ano ang gusto ko maging. May maisasagot na ko sa interview kapag tinanong ako ng "How do you see yourself ten years from now."
- Writer/Journalist. Medyo komplikado. Sabi dun sa libro ni Ricky Lee (Para kay B), wala daw pera dito. Hindi daw rinerespeto ang mga writer sa Pinas.(Pero hindi talaga ko masyado sigurado sa eksakto niyang sinabi) E bat ganun. Ayaw niya ko maging writer pero writer siya. Parang yung mga hayskul teacher namin na nagsasabing wag kami magteacher. Sabi naman ni Mama, Pinapatay daw ang mga sumusulat (halimbawa, Maguindanao Massacre). Sabi ko naman, lahat ng tao mamamatay. Pag oras mo na, oras mo na. Gusto kong sumulat. Handa akong itaya kahit buhay ko. Seryoso. Real talk pre.
- Ilang beses ko na rin inisip na mali. Ilang beses sumagi sa utak ko na hindi bagay sakin ang magsulat o maging writer. Oo, sabihin na nating may mangilan-ngilan na nagkocompliment at natutuwa sa pagsulat ko pero kasi madalas ako mainsecure sa mga taong nakikita kong magaling, mas magaling, sobrang galing. Naisip ko lang, pano ako magiging pinakamagaling na writer kung yung iba nga na hindi naman gusto maging writer e mas magaling pa magsulat kesa sakin. Pero sabi ko sa sarili ko, bata pa ko, marami pa ko matututuhan. Hintayin niyo lang. Nagsisimula pa lang ako. Hindi agad ako susuko. Hinding-hindi lulubog ang araw kasi umaga pa lang.
Walang Natira
- Darating ang araw na mapipilitan kang pumili sa dalawang bagay. Siguraduhin mong tama ang pipiliin mo dahil pag mali ang pinili mo, baka mawala pareho sayo.
- So ayun nga. Nakakabadtrip e. Para akong may girlfriend at may kabet. Iniwan ko yung gf ko para sa kabet ko pero iniwan din ako nung kabet ko. Sakit sa bangs pre.
- Ganto kasi ang kwento, may planner ako. (De. Trip ko lang ipagmayabang. May planner ako! Mainggit ka) Tapos syempre, nung isang linggo pa lang, pinlano ko na na pupunta ako sa Brigada Eskwela ng May 20. Tapos kahapon, dumating yung kuya ko, sabi pupunta daw kami ng Ace Water Spa para icelbrate yung birthday niya- Advance. O sige nga, papipiliin kita, Brigada Eskwela o Swimming? Syempre swimming diba?
- At yun na nga. Kanina, nabalitaan naming may regla yung isa kong kapatid. Naknampota. Pag sinuswerte ka nga naman. So sa dulo, ako yung talo, ako yung gago. Pwede pa naman ako humabol sa Brigada Eskwela kaso tinatamad na ko bumili ng floor wax at basahan e. Tsaka gusto ko photographer lang ako. Eeew. Yoko kaya magpunas ng floor. So dirty. Grrrr Hahaha
- Moral of the story: Bawal magswimming ang may regla. Ay mali. CHOOSE WISELY pala. Hahaha
Makitid ang Utak
- Yan kasi ang laging sinasabi sakin ng mga taong nakakaaway ko o nakakasagutan.
- Naniniwala naman ako. Naniniwala ako kung ang deskripsyon mo ng makitid ang utak, ay yung isinasara yung pag-iisip niya sa kung ano ang tingin niyang tama. Yan yung tipong wala na pakialam sa kung ano ang tama sa pananaw ng iba. Kapag nakikipag-away kasi ako, ako lang ang tama. E kundi ka ba naman engot, makikipag-away pa ba ko sayo kung alam kong ikaw yung tama? Hindi ako ganung tao pre. Ako yung tipo ng taong pinaninindigang tama ako kapag alam kong tama ako. Pero kapag nalaman kong mali ako, magbaback-off ako. Alam ko kung san ako puposisyon.
- Okay lang sakin na sabihing makitid ang utak ko. Wag mo lang sasabihing bobo ako dahil baka kainin mo yung sinasabi mo kapag inaapakan ko na yung utak mo.
Talsik Laway
- Nagsasalita ako nang biglang tumalsik yung laway ko.
- Kapatid: Ano ba yan, kadiri. Talsik pa laway! :/
- Ako: Aba saluhin mo. Tapos magsign of the cross ka. Wala kang galang! :/
Reunion kuno
- Naiinis ako. Sabihin niyo nang OA ako o masyadong epal pero nababadtrip talaga ako sa mga kaibigan ko dito. Yung feeling na nagyaya ka ng reunion tapos sasabihin ng isa na hindi siya pupunta kapag kasama si X (itago na lang natin sa letrang X , yung taong kinaiinisan niya), o kaya naman pupunta lang siya pag hindi kasama si X. Alam mo yung feeling? Diba REUNION nga yun? Diba kapag reunion kasama lahat? Diba pag reunion dapat masaya? Ewan ko. Sa tingin ko kasi pagiging makasarili yun. Yung hindi ka pupunta sa gala ng barkada dahil lang ayaw mong makita yung isa. Pano naman kung gusto ka makita nung mga kaibigan mong hindi mo kaaway? Wala na lang? Sorry na lang sa kanila? Hayahay. Badtrip talaga.
Gusto ko maging writer.
- Gusto ko magsulat. Gusto kong hangaan ako sa pagsulat. Gusto kong sabihin nilang kakaiba ako magsulat. Gusto ko maging writer.
- Alam kong hindi ako ganun kagaling. Pero magiging magaling na writer ako. Magbabasa ako ng maraming libro. English o Tagalog. Magbabasa ako sa internet. Magbabasa ako ng iba-ibang genre ng libro. Magbabasa ako ng iba't-ibang klase ng literary pieces. Makikipagkilala ko sa mga writer- Mula sa amateur hanggang sa professional na writer, sa mga kilala hanggang sa mga writer na hindi napapansin ang ginawa nila. Pupunta ko sa iba't-ibang lugar. Makakakilala ako ng iba't-ibang klase ng tao. Makakarinig ako ng sari-saring kwento.
- Gusto ko maging writer. Gusto ko magsulat. Magiging writer ako. Magsusulat ako.
Blogger ako na hindi kailangang magalit muna para magpatama. Magpapatama ako hanggang may tinatamaan.


