Basa-basa din pag may time
- Meron akong tatlong libro na kailangan basahin ngayon. Hindi utos ng kung sino. Utos to ng planner ko. Hindi ko na kasi sila pwede basahin sa ibang araw. Hanggang ngayon lang talaga. Alam mo na, medyo hectic ang sched. Hirap maging artista Hahaha de. Basta. Magbabasa muna ko ah. Kbye.
- Tamad ako magtext, TA, chat, o makipag-usap gamit ang kung ano mang gadget kaya pag nagkita tayo at nagkasama sa personal, sulitin mo na. Madaldal ako sa personal. Sa isang oras lang, alam na alam mo na buong buhay ko. Kinakausap ko kahit sino. Walang pili-pili. Basta kausapin mo ako, kakausapin kita. Sa personal, hindi ako suplado, hindi ako isnabero, hindi ako pipi.
Swerte ako sa Pamilya
- Simple lang ang pamilya ko. Nasasabi ko sigurong swerte ako kasi kumpleto kami. Madalas mag-away si mama at papa pero hindi sila naghihiwalay. Minsan kinakapos ang pera pero nakakaraos naman.
- Anim kaming magkakapatid. Tatlong sunod-sunod na lalaki at tatlong sunod-sunod na babae. Pangatlo ako. Bunso sa lalaki. Kaya siguro medyo spoiled. Yung pera na nakukuha ko sa scholarships ko (with -s kasi marami hahaha edi ako na), hinahayaan lang nila sakin. Ako bahala kung magkano ibibigay ko sa kanila. Tulad din nitong sahod ko sa first job ko, binibigay nila sakin, sabi ko kasi bibili ako ng laptop. Tsaka kasi may trabaho naman si papa at yung dalawang kuya ko kaya ganun. Pero minsan nagiguilty rin ako para sa mga kuya ko. Tumigil kasi sila ng pag-aaral para makapagtrabaho. Nagtatrabaho sila para may pera sa bahay. Ako lang yung hindi tumigil. (Tangina men. Naiiyak ako habang tinatype ko tong part na to. Seryoso. K.) Pag nagkataon, dahil incoming fourth year na ko, ako yung kauna-unahang gagraduate ng 4-year course.
- Masayahin tong pamilya ko. Minsan nga sinasabi ng mga kaibigan ko na cool daw parents ko. Para kasi silang barkada samin. Feeling bagets. Si Papa yung joker samin pero ako yung taga-bara sa korni niyang jokes. Pero hindi laging nakangiti si papa. Nagdadrama din minsan (may pinagmanahan ako) lalo na pag nakainom. Sinasabi ko nga na siya ang dahilan kung bakit nakapasok ako sa scholarship ko e. Umiyak kasi siya nung interview mehehe. Si Mama naman sobrang ingay lagi. Pag nag-aaway yung dalawang kapatid kong babae at pag mag-uutos. Pero Mama's boy talaga ko. Sumasabay lagi si mama sa trip namin. Sa kanya lang ata ako hindi nahihiya na sumayaw at kumanta kahit mukha na kong tanga basta nag-eenjoy siya. Yung mga kapatid ko, nakakausap ko naman minsan. Real talk pa nga e. Yun yung kapag inaalala namin yung buhay namin nung mga bata pa kami. Lagi namin kinocompare yung ugali naming mga lalaki sa ugali nung mga kapatid namin babae. Kung titignan kasi mas may manners pa kami dun sa mga babae naming kapatid Haha Yung mga kapatid kong babae, palaging nag-aaway pero maasahan naman kasi nauutusan. Mga babae nga naman kasi dapat ang nagtatrabaho sa bahay. Maaasahan din pala sila pag magpapa-load ako. Hahaha
- Pero hindi perpekto ang pamilya ko. Tulad ng ibang pamilya, minsan magulo din kami. Minsan nag-aaway. Minsan nag-iiyakan. Pero sa dulo, kami pa rin naman ang magkakasama. Kami pa rin ang pamilya. Mahal ko pa rin sila.
SHYATAAAAP!
Yan kasi yung nakalagay sa shirt namin kaya ayan na rin yung title (sobrang logical).
Eto pala yung Wave 114. Officemates ko. Namimiss ko sila at lagi ko silang mamimiss. Tulad nga ng sabi ko, eto yung first job ko (hindi counted ang hand job). Naenjoy ko yung trabaho hindi dahil maganda o madali o masaya yung trabaho, kundi dahil masaya kasama yung officemates ko. Siguro lalo kong hindi magugustuhan ang pagiging call boy call center agent pag hindi sila ang ka-team ko.
Dinamihan ko na yung pics para naman walang magtampo pag hindi sila nasama. Siguro naman andyan na sila lahat. So ayun nga. Kami yung pinakamatibay at pinakaastig na grupo sa SPi Global (company namin yan. wag kang tanga). Matibay, kasi kami lang yung wave na hindi nabawasan. Walang naterminate samin. Astig, kasi kami lang yung may wave shirt. Matibay at Astig, kasi kumakain kami ng sama-sama. Buo kami. Kumpleto. Walang Wave 114A at Wave 114B.
Namimiss ko sila. Namimiss ko yung sigaw ni TL, “Those who are in admin, Log-in!”. Namimiss kong makatanggap ng prizes DSAT. Namimiss ko yung tawanan. Yung upuan na umiikot at gumugulong. Yung computer, yung system, yung internet connection na laging putol, yung sharepoint na nag-crash, yung coke zero na iniinom ko gabi-gabi, yung jollibee, kfc, at yung dutdutan, yung tawirang nakamamatay, yung “babay” ni daddy roms, yung english language, yung stupid customers (kidding) hahaha.
Namimiss ko yung officemates ko. Si Tita Maude (ti-ta mod) na pinakabata samin (13 yrs. old). Si Ate Chesca na nagpapatahimik samin pag maingay (pssst). Si Ate Niksi na most behave. Si Doc Jerry na nahulog sa hagdan tahimik din. Si Eric na ambait-bait naman. Si Jai na Ebook reader. Si Roxy na future TL. Si Cris, boses ni Cris (That’s correct!). Si Papa Chen at ang kanilang bahay at ang patuloy niyang paggawa ng isyu. Si Kez na laging mukhang galit. Lagi ako pinapagalitan. Tatay pala. Si Luziel at ang boses ni Luziel. (You belong with me! ♪♫). Si Gemma na future model. Si Rod at yung kanta niya (This is the moment! ♪♫). Si Faye at ang PD shoes niya. Si converter Queen King Ian at ang mga movie niya. Si Jessie at ang kalibugan niya. Si Jo at yung tawa niya. Si Amielle, at ang kadramahan niya (Tanong mo si Ms. Aubrey). Si Nigga Shang. At ang pinakamamimiss kong babae sa wave 114, si Mommy Van! Feeling baby ako. Mama’s boy. At Syempre, Hindi mawala sa mamimiss ko ang papang namin. Hindi Daddy, hindi tatay, hindi ama, kundi PAPANG. Si Papang Russel na TL namin. Siya yung dahilan kung bakit kami naging mga magagaling na agent.
To sum it up, nagdadrama ako. Hahaha De. Namimiss ko na tong mga taong to. Sana may gala ulit kami. Sana magkasama-sama ulit kami. SANA.

Baka ansaya nila kasama.
Eto kasi ang tunay na TSAMU mga kaibigan ko sa tumblr. Eto yung barkadang mababawasan pero hindi mabubuwag mehehe
De. Kaya talaga ko pumunta sa TSAMU, para makita yung mga kaibigan ko tulad ni Ryza (manhidnatorpepa) na hindi ko nakita kasi masyadong maliit. Sabi niya walang iwanan pero umuwi na ata agad siya ng hindi pa ko nakikita :( huhu dejok. okay lang yun Ryza. See you next meet-up!
Pangalawa, magsosorry kasi ako kay Buddy Jake (jakepullsthetrigger). Hindi ako makakasama sa Bicol. Mas okay kaya magsorry sa personal. Ayun. Mag-ingat sana sila dun :)
Pangatlo, kasi kasama ko yung abnormal kong mga kaibigan. Kahit ilang oras silang late. kahit nabadtrip ako, okay lang yun. Sanay na ko Haha drama pala. De. Promise nag-enjoy ako na kasama tong mga to tapos may bago pang tropa na humalo samin. Dami ko nakilala. si kuya Josept, Ate Marj, si Pat, Jeuliette, tsaka marami! too many to mention. promise! hahaha kasama rin pala namin si Mhervin at Jerr (jerrjerrinmoko juantangengot)
Yung mga kasama ko kahapon, wag kayo magtatampo ah. Sila lang muna ipi-feature ko kasi eto yung mga sobrang nagpasaya sakin. pero napasaya niyo rin naman ako. (whut) Hahaha
Pakilala ko nga pala sa inyo tong mga Abnormal bloggers nato. kaso famous sila kaya malamang kilala niyo na. Ako lang naman hindi famous dito.
From left to right. Lerry (papalerry). Ako yun syempre. Wag kang tanga. Russell (therussellsanpedro). kamukha siya ni Darwin diba? si Darwin yung huehuesrawr. Hahaha de. hindi ko alam url. hirap i-spell. Haha Pero magkamukha sila. Ayaw niya maniwala. Baby nga pala to si Wussell. kasi hindi niya kawa banggitin yung lettew aww (“r”). Aerol (imbabaerol). Malandi to si Aerol. Keep Distance. Tsaka kapit sa famous Hahaha De. Sobrang bait nito pero sobrang sama din. Hinahard kasi ako (whut). Eh. Inaaway niya kaya ako. Kala niya nakakatuwa mga biro niya Hahaha De. Ganto lang talaga to. Ganto siya sakin. Ganto rin ako sa kanya Haha XD. Jay (palaboysadaan). Siya daw ang tunay na palaboy. Oh, paki namin? Hahaha De. Mapagbigay to si Jay. Hindi ko malilimutan yung binilang niyang Gardenia para samin. Nagugutom na kasi talaga ko tapos bumili siya nun :( nakakaiyak. Pero medyo tahimik. Magsasalita lang pag magmumura Hahaha
Sorry pala kung andami kong “hahaha”, nakakatawa kasi e Hahaha Ayun. Nagkwento lang ako. kbye. mwah :*
Dahil pupunta ko ng TSAMU...
- Ako: Ma, punta lang ako ng SM Manila ah
- Mama: Basta mag-iwan ka ng pera dito.
- So baliktad na ang mundo ngayon? Hahaha enebeyen. Manghihingi pa nga ako ng baon eh. Ako pa pala magbibigay lol
Baka emcee ako.
- E kasi nashock talaga ako nung sabihing mag-eemcee ako sa isang tribute para sa schoolmate namin na namatay. Pag nagkataon kasi first time yun. Ayokong magkamali. Tribute yun. Andun ang directress, may professors, pamilya nung namatay, PUPians, tsaka yung mga kapitbahay. Hindi ko alam kung paano gagawin ko dun.
- E tinanong ko yung nag-assign sakin kung bakit ako ang naipili. Sabi para daw maneutralize yung program. Yung kasama ko kasing babae sobrang bait daw tas ako sobrang sama. Ansaya ko nung sinabi sakin yun. Compliment kaya yun! Hahaha De. Mas okay sakin na sinasabing masama ako. Mas ramdam ko e Hahaha
- Kahapon yun. Nung magstart na yung program, nanigas ako. Ako kasi yung nanigas. Hindi yung ano ko. Kaya ang hirap. Sabi ko ayoko. Hindi ko talaga kaya. So ayun. Sa dulo, pinalitan ako. Pero sabi sakin, may utang daw ako sa kanila. Next time daw na pag-emcee-hin ako, kailangan magsalita na talaga ko. Um-oo naman ako. Pipilitin ko talaga. Huehue
Hinaharap
- Ambango-bango, ambango-bango ng hinaharap. Merong malaki. Merong maliit. Meron ding mabahong hinaharap. Ampula-pula, ampula-pula ng hinaharap. Hahaha de. Seryoso na kasi.
- Hinaharap. Maraming taong nagpapahula para sa hinaharap. Maraming gusto makaalam ng hinaharap. Pero ako, hindi ko gugustuhing malaman ang hinaharap. I live in the present. Not in the past, nor in the future.
- Dalawa lang naman ang pwede mangyari sa future. Magiging masaya o hindi. Good or bad. Kung malalaman kong na yung magandang mangyayari bukas, hindi na masaya yun. Hindi na masyado exciting. Alam mo na. Parang birthday ko bukas, tapos sasabihin mong may regalo kang relo sakin, o kaya cellphone, o kung ano man. Syempre aasahan ko na yun. Hindi na ko masusurpresa. Kung malalaman ko naman na may mangyayaring masama sakin, mababadtrip lang ako. Hindi pa nangyayari sakin pero pinoproblema ko na. Parang pag may taning na yung buhay ko, hindi pa naman ako mamamatay talaga pero pinoproblema ko na kasi alam kong mamamatay ako.
- Kaya ayoko talaga mabuhay sa hinaharap.
- Good News: Hindi siya snob.
- Bad News: Pinapublish niya lahat ng TA sa kanya.


